Dagdag-kontribusyon sa PAG-IBIG isinusulong ng labor group

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 07:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Iminumungkahi ngayon ng isang labor group na dagdagan ang kontribusyon sa PAG-IBIG Fund. 

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines, gusto nilang dagdagan ng 200 porsiyento ang kasalukuyang minimum contribution sa Pag-IBIG. 

"'Yung aming proposal ay una 'yung itaas sa P100 hanggang sa maitaas natin siya sa amount na P300 in 3-4 years," 

Pero dapat daw itong tapatan ng employer, bukod pa sa paglaki ng maaaring utangin at pagpapaganda ng serbisyo ng PAG-IBIG. 

Sa kasalukuyang P100 kontribusyon, nasa P81,507.60 ang maaaring makubra kasunod ng 20 taong maturity. 

Kung itataas ito sa P200, aabot sa P163,015.17 ang makukubra sa nasabing panahon. 

Maaari namang umabot sa P244,522.77 ang makukubra sa nasabing panahon kung itataas ito sa P300 kada buwan. 

Pero giit ng Employers Confederation Of The Philippines, nasa P50 lang ang kaya nilang idagdag sa kontribusyon sa ngayon. 

"Whatever these employees share, lumalabas na parang savings which kumikita ng interes 'yun, may mga added benefits yun pero yung sa employer, talagang expense 'yun," ani Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng ECOP. 

Bukas naman daw sila na dagdagan ang kanilang counterpart contribution sa mga susunod na taon.  --Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.