Mga batang naglaro ng posporo, sanhi ng sunog sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 08:56 PM

DAVAO CITY - Nasunog ang siyam na bahay sa Purok 54, Blk. 2, S.I.R. Phase 1, Barangay 76-A sa Davao City Linggo ng hapon.

Sa video ni Bayan Patroller Jayvee Narciso, makikita pa mula sa Davao river ang nasusunog na mga bahay.

Courtesy of Jayvee Narciso

Watch more in iWant or TFC.tv

Hirap pasukin ng mga bombero at firetruck ang lugar dahil sa makipot na daanan at mga nakaparadang sasakyan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga bombero na nagmula ang apoy sa ikalawang palapag sa bahay ni Danilo Camoro.

Mga batang naglalaro ng posporo umano ang sanhi ng sunog.

Ayon kay SFO2 Felix Amistad ng S.I.R. Fire Station, aksidente umanong nasunog ng mga bata ang kama sa loob ng kuwarto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.