2 senior-high student, tiklo sa buy-bust sa Davao del Norte

Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 02:13 AM

PANABO, Davao del Norte—Dalawang senior high-school student ang 
inaresto matapos ang dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod na ito Biyernes.

Unang inaresto si Oasis Culaman, 22, sa Barangay San Francisco matapos magbenta ng isang sachet na may shabu.

Ganoon din ang nadiskubreng ilegal na droga sa pangalawang suspek.

Ayon sa Panabo City Police, matunog ang pangalan ng mga suspek, dahil sinumbong sila ng dati na ring inaresto sa ilegal na droga.

"Sila ang source ng mga dati nang naaresto. Maliit lang 'yong dala nila kasi magdadala lang sila kung ano order mo," ani Police Maj. Ernesto Gregore, hepe ng Panabo City Police.

Kinasuhan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.