Clearing operation sa Lucena City nauwi sa pagtatalo; tindero, sugatan

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 03:46 PM

LUCENA CITY - Sugatan ang isang tindero matapos mabaril umano ng isang traffic enforcer sa isinagawang clearing operation sa lungsod na ito Biyernes.

Ayon sa pulisya, nauwi sa pagtatalo ang clearing operation na isinagawa sa lungsod. 

Sinuntok umano ng tindero ang isang traffic enforcer. Gumanti naman ang enforcer at binaril ang tindero.

Agad na tumakas ang salarin na kasalukuyan pang pinaghahanap.

Nagpapagaling sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa balikat at tiyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.