ALAMIN: Pananagutan ng mga dayuhang sangkot sa prostitusyon

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 04:07 PM | Updated as of Oct 12 2019 04:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nitong linggo ay sinalakay ng mga awtoridad ang umano'y sex den kung saan iniaalok ang mga hinihinalang Chinese prostitutes. 

Pero paano nga ba mananagot sa batas ang mga dayuhang sangkot sa prostitusyon? 

Pinaparusahan ang prostitusyon sa Revised Penal Code, ayon sa abogadong si Claire Castro, at maaaring managot ang mga sasabak sa sex trade sa bansa. 

Mananagot din sa human trafficking ang mga nag-recruit dito, dagdag niya. 

"They offer, they provide persons who do this kind of work na prostitution. Parang dinadala mo 'yung tao for this purpose for prostitution, sexual assault na minsan yung kababaihan hindi nila alam," ani Castro sa "Usapang de Campanilla. 

Bukod sa kasong human trafficking, maaaring ipa-deport ang mga dayuhang mapapatunayang sangkot sa prostitusyon. 

Umaabot ng 12 hanggang 17 taong ang sentensiya sa mga mapapatunayang sangkot sa prostitusyon. 

Maaaring ma-blacklist rin ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang masasangkot dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.