24 bahay nasunog sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 04:44 AM

Cagayan De Oro City LGU

CAGAYAN DE ORO CITY—Nasunog ang 24 na bahay sa Burgos St. at Del Pilar St. sa Barangay 17, Cagayan De Oro City Biyernes ng gabi.

Ayon kay FO3 Jesreel Lasaga ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cagayan De Oro City, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.

Walang nasaktan sa insidente pero nag-iwan ito ng nasa P1.2 milyong pinsala.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.—Ulat ni PJ Gisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.