Ginang sugatan matapos mabangga ng motorsiklo sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 12:32 AM

PAETE, Laguna—Sugatan ang isang 62 anyos na ginang matapos mabundol ng motorsiklo sa Cajumban St., Barangay Quinale, Paete, Laguna Martes ng gabi.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, makikitang tumawid ng kalsada ang biktima pero nang malapit na sa tabi ay nabundol siya ng motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa binti ang ginang.

Agad namang rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management ng Paete sa insidente at nilapatan ng paunang lunas ang biktima bago dinala sa ospital.—Ulat ni Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.