20 pamilya apektado sa sunog sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 05:11 AM | Updated as of Oct 10 2019 07:16 PM

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay CAA, Las Piñas City Huwebes ng madaling-araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Las Piñas City fire marshal Arthur Sawate, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Ramon Pasagi pasado alas-2:12 ng madaling-araw.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa sa light materials.

Nahirapan din ang mga bombero na apulahin ang sunog dahil ito ay nasa loobang bahagi ng Mabuhay St. at umapoy ang mga kawad ng kuryente dahil sa pumutok na transformer.

Pasado alas-3:25 ng madaling-araw nang tuluyang maapula ang sunog at tinatayang nasa 20 pamilya ang apektado sa insidente.

Naiwang kandila ang tinitingnang sanhi ng sunog.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.