Higit P100 milyong halaga ng shabu nasabat sa Quezon Memorial Circle

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 10:08 PM | Updated as of Oct 09 2019 12:53 AM

MANILA - Higit P100 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Quezon City nitong Martes matapos makasamsam ang mga awtoridad ng halos P70 milyong halaga ng parehong droga sa nasabing lungsod.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 15 kilo ng kontrabando ang nakuha mula sa isang suspek sa isang bahagi ng Quezon Memorial Circle.

Bago ito nasamsam, 10 kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa isang Chinese at dalawa pang suspek sa Santa Catalina Street sa Barangay Sienna sa lungsod.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.