Imbestigasyon sa pagbigay ng water tank sa Bulacan, ikinasa na

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2017 02:23 PM | Updated as of Oct 08 2017 04:46 PM

Ikinakasa na ang task force na tututok sa imbestigasyon ng bumigay na water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Biyernes, Oktubre 6.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Mayor Arthur Robes na iniimbestigahan pa nila ang sanhi sa pagbigay ng tangke bagaman may ilang impormasyon nang nakalap ang mga awtoridad.

Ibinahagi ni Robes na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Commission on Audit (COA) at iba pang ahensiya ukol sa tulong pampinansiyal para sa mga apektadong residente.

"We've been waiting for the approval ng COA kung magkano 'yong puwede naming ibigay sa bawat pamilya," ani Robes.

Sinagot naman umano ng lokal na water district ang bayarin sa ospital at libing ng mga apektado.

Apat ang nasawi sa habang nasa 45 naman ang sugatan dahil sa pagbigay ng tangke na nag-susuplay ng tubig sa buong Brgy. Muzon.

13x14 metro ang sukat ng tangke at kasingtaas nito ang isang tatlong palapag na gusali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.