600 kilo ng isda natagpuang patay sa pond sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 02:10 PM

Aabot sa 600 kilo ng isda ang natagpuang patay sa isang pond na pag-aari ng pamahalaang lokal ng Cebu City.

Nakita noong Huwebes, Oktubre 3, na palutang-lutang ang mga patay na bangus at tilapia sa walong ektaryang Pond-A na pag-aari ng pamahalaang lokal ng Cebu City, ayon sa head ng security ng pond na si Mario Armenton.

"Pagtingin namin sa pond, maraming mga patay na isda na nakalutang at nangangamoy na," ani Armenton.

Sinuri na ng lokal na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pond para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng isda.

Isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagkamataya ng mainit na panahon.

-- Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.