Eroplano ng Australian air force, nag-emergency landing sa Tacloban

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 05:27 PM

Nag-emergency landing sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban city ang isang eroplano ng Royal Australian Air Force Sabado ng tanghali.

Patungo sana sa Adelaide, Australia, ang Boeing C17 aircraft na nagmula sa Kadena, Japan, nang mapansing umuusok ang cockpit nito, dahilan para mag-emergency landing.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines sa Tacloban posibleng abutin pa ng dalawang araw ang pagkukumpuni sa eroplano bago muling makalipad.

-- Ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.