2 lalaking nagnakaw sa tindahan ng poultry supply timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 08:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nasakote ng mga pulis noong Biyernes ang 2 lalaking nanghihingi ng donasyon sa isang establisimyento pero pagnanakaw pala ang tunay na pakay.

Ayon sa pulisya, nagpunta ang 2 suspek sa isang poultry supply shop sa Sampaloc, Maynila kung saan nanghingi sila ng donasyon pambili ng basketball jersey para sa liga. 

Pero nang malingat ang bantay, tinangay na pala ng 2 ang cellphone at wallet ng biktima. 

"Sabi ko balik na lang kayo wala boss namin, pero hindi pa sila umalis, then bumalik na ako sa customer. Pagkatapos umalis na sila di namin alam nakuha na pala," sabi ng biktimang si alyas "Rene."

Nasapul pa ng CCTV ang pagtakbo ng mga suspek.

Sa tulong ng CCTV, nahuli ang 2 at naibalik ang cellphone at wallet ng biktima.
 
Ang isa sa mga suspek ay nahuli na pala dati dahil sa droga. 

Payo ng pulisya sa mga nagbabantay ng shop o tindahan, ingatan at huwag iwan ang kagamitan. Maging alisto din lalo kung may kahinahinalang tao. 

Kakasuhan ng theft ang 2 suspek.


—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.