Dagdag sa minimum wage sa NCR, epektibo na

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 02:06 PM

Epektibo na nitong Huwebes ang P21 umento para sa mga sumasahod ng minimum wage sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Mula sa dating P491, magiging P512 na ang arawang sahod ng mga manggagawang mula sa non-agricultural na sektor.

Magiging P475 naman ang sahod kada araw ng mga tauhan mula sa mga sektor ng agriculture, retail, service at manufacturing.

Hindi naman sakop ng umento ang mga kasambahay at manggagawa sa barangay micro business enterprises na may certificate of authority.

Ipinatupad ang umento ng sangay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR bilang tugon sa petisyong inihain ng ilang organisasyon at matapos ang konsultasyon sa iba't ibang stakeholders.

-- Headline Pilipinas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.