Lalaki patay sa buy-bust sa Digos City

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 03:42 PM

Napatay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Digos City, Davao del Sur noong gabi ng Miyerkoles.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Jay-ar Siarez, 27 anyos.

Bumunot ng baril si Siarez at nagpaputok sa mga awtoridad matapos mapansing pulis ang kaniyang katransaksiyon, ayon kay Lt Col. Ernesto Castillo, hepe ng Digos police.

Binaril ng mga pulis sa paa ang suspek pero patuloy umano ito sa pagbaril kaya nakipagpalitan na rin ng putok ang mga awtordad.

Si Siarez ang nagbabagsak ng droga sa Digos mula Cotabato City, ayon kay Castillo.

Nakuha sa suspek ang mga sachet ng shabu at dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P40,000, at drug paraphernalia.

-- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.