2 menor de edad nahulihan ng marijuana sa mall sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 05:50 PM

MANILA - Dalawang lalaking menor de edad ang nahulihan ng marijuana sa isang mall sa Quezon City Huwebes.

Dalawang sachet ng ilegal na droga ang nakumpiska sa 13-anyos at 16-anyos na mga bata sa mall sa Cubao.

Nakumpiska din ang isang glass pipe.

Ayon sa pulisya, ininspeksyon sa entrance ng mall ang mga bag ng mga suspek at dito nakuha ang marijuana.

Ipadadala ng pulisya ang mga suspek sa Department of Social Welfare and Development.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.