P216-K halaga ng 'shabu' nasamsam sa 'tulak' sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 03:06 PM

Aabot sa P216,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isa umanong tulak sa buy-bust operation sa Caloocan City ngayong Martes.

Pinangunahan ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit ang operasyon sa may LRC Compound, Barangay 310, Zone 31 bandang alas-3:50 ng madaling araw, ayon sa ulat ng Caloocan police.

Naaresto sa operasyon si Alnaidah Ampaso, 27, na isa umanong tulak ng ilegal na droga, sabi ng pulisya.

Nakuha sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 60 gramo, isang cellphone box, isang digital weighing scale, boodle money, at marked money na ginamit sa buy-bust.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.