P13.6-M na halaga ng 'shabu' nasamsam sa Dumaguete City

Romeo Subaldo, ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 10:26 PM

Arestado sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga ang isang 22 anyos na lalaki sa Barangay Camanjac sa Dumaguete City Martes ng hapon.

Nakuha mula sa kanya ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkalahalaga ng P13.6 million.

Ayon kay PLt. Allen June Germodo, team leader ng Philippine National Police Special Operations Group sa Negros Oriental, dalawang linggo na nilang minomonitor ang subject. 

Umorder sa kaniya ang nagpakilalang buyer ng isang kilo ng shabu pero dalawang kilo ang dala-dala nito.

Agad na dinala sa Negro Oriental Crime Laboratory ang mga nakuhang pinaniniwalaang shabu para masuri. 

Mahaharap sa kasong pagbebenta ng iligal na droga ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.