2 teenager patay sa pamamaril sa Lapu-Lapu City

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 03:53 PM

Napatay ang 2 teenager matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa Lapu-Lapu City Lunes ng gabi.

May edad 16 at 17 anyos ang mga biktima na natagpuang patay 20 metro mula sa isa't isa sa Barangay Babag, ayon sa pulisya.

Binaril ang mga biktima ng mga naka-motorsiklong salarin pasado alas-9 ng gabi, ayon sa kuwento ng mga testigo.

Inaalam na ng pulisya ang profile ng mga biktima at motibo sa pagpatay.

Susuriin din ng mga awtoridad ang kuha ng mga surveillance camera sa pinangyarihan ng krimen.

-- Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.