2 menor de edad natagpuang patay sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 09:57 AM

MAYNILA - Natagpuang patay ang 2 lalaking menor de edad na hinihinalang "salvage" victims sa Legazpi City, Albay nitong Martes.

Tinatayang nasa edad 15 hanggang 17 ang mga lalaking may tama ng bala ng baril sa ulo at nakatali ang mga kamay, ayon kay Police Maj. Malou Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office-Bicol. 

Natagpuan ang mga ito ng mga tauhan ng Barangay Bariis at itinawag sa pulisya. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.