Riding-in-tandem huli sa Comelec checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2017 09:27 AM

MANILA - Naaresto ang 2 hinihinalang "riding-in-tandem" sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo, kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng nationwide gun ban at checkpoints ng Commission on Elections (Comelec).

Nagkasa ng gun ban at mga checkpoint ang Comelec bilang paghahanda sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 23.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspeck na sina William Datiles at Rodrigo Bautista nang parahin sila sa Comelec checkpoint, ayon kay Rodriguez police chief Supt. Hector Grujaldo.

Pero sa halip aniya na huminto, dumiretso ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang abutan sa harap ng Rodriguez police station sa E. Rodriguez Highway.

Nakuha kina Datiles at Bautista ang isang 9 mm pistol, mga bala, 3 pakete ng shabu at sari-saring drug paraphernalia. -- Ulat ni Noel Alamar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.