Negosyante patay sa pamamaril sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 04:52 PM

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa harap ng isang cockpit arena sa bayan ng Tanauan, Leyte nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Mateo "Bong" Perez na kakatapos lamang magparada ng sasakyan nang pagbabarilin ng 2 lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.