#WalangPasok: Setyembre 30, Lunes

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 10:16 AM | Updated as of Sep 30 2019 06:30 AM

MAYNILA (7th UPDATE) Suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar dulot ng nakatakdang tigil-pasada ng mga jeepney driver at operator sa Lunes, Setyembre 30.

LAHAT NG ANTAS

  • Caloocan City
  • Las Piñas 
  • Malabon City 
  • Marikina City
  • Muntinlupa City
  • Parañaque City
  • Pasay City
  • Pasig City
  • San Juan City 
  • Taguig City
  • Valenzuela City
  • Cavite (buong lalawigan)
  • Iloilo City 
  • Laguna
    • Calamba
    • Majayjay
    • Sta. Cruz
    • Rizal
  • Negros Occidental
    • Bacolod City
    • Bago City
    • Talisay City
  • Pampanga (buong lalawigan)
  • Rizal 
    • San Mateo 

PRE-SCHOOL HANGGANG ELEMENTARY 

  • Baguio City 

KOLEHIYO

  • Manila

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa University of Santo Tomas at De La Salle University sa Maynila at sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Nagsuspende na rin ng klase sa junior at senior high school at undergraduate at graduate school ang Ateneo de Manila University sa Quezon City. Nauna nang sinuspende ang klase sa Ateneo de Manila Grade School dahil sa kanilang katatapos na "fiesta."

Samantala, suspendido rin ang klase sa mga pampublikong elementary at high school sa Quezon City para sa selebrasyon ng World Teachers' Day.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.