DILG nagbabala sa LGUs na di aabot sa deadline ng clearing ops

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 06:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na sususpendihin at kakasuhan nila ang mga barangay officials at city mayor na hindi nagtagumpay sa paglilinis ng kanilang mga nasasakupan.

Maalalang noong Hulyo ay nagbigay ng 60-day ultimatum ang DILG sa mga lokal na pamahalaan para buwagin ang lahat ng obstructions o sagabal sa kalsada, mapa-bangketa man ito o bahay. 

Sa Lunes na ang deadline ay walang extension na ibibigay ang kagawaran. 

"Pa-filan natin ng kaso 'yung mga kapitan, pagka naman mayor hindi nagpatupad walang ginawa sa clearing operations, I'll ask Sec. [Eduardo] Año to recommend to the President for the suspension or removal from office ng mayor," babala ni DILG undersecretary Martin Diño.

Sa Lunes ay nakatakdang mag-ikot ang mga opsiyal ng DILG sa bawat lungsod para matiyak ang tuloy-tuloy na pagsunod sa direktiba. —Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.