Dagdag na mga bus, bibiyahe sa Lunes para sa mga apektado ng tigil-pasada

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 08:04 PM

MAYNILA - Magkakaroon ng karagdagang biyahe ang mga bus ngayong Lunes bilang tulong sa mga maaapektuhan ng isasagawang tigil-pasada.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), magde-deploy ang pamahalaan ng mga karagdagang bus unit.

“Kahit maliit lang ang inaasahan nating epekto ng strike bukas, mabuti nang may contingency plan tayo dahil prayoridad natin ang mobility at convenience ng ating commuters,” pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Naghahanda rin umano ang LTFRB sakaling mangharang ng kapwa nila tsuper ang mga lalahok sa tigil-pasada.

Maglalaan ng karagdagang bus sa mga sumusunod na ruta:

* LETRE Malabon via Samson Rd. to Monumento, Caloocan
* Valenzuela via McArthur Highway/Rizal Avenue Avenida to Manila
* 5th Ave. via Rizal Avenue Avenida to Manila
* Monumento via McArthur Highway to Malanday Valenzuela
* Monumento via Samson Road to Navotas
* C3 Dagat-Dagatan via C3 Road to East Bound(going to 5th Avenue)
* 5th Avenue via C3 Road to South/North Bound

* Marikina via Marcos Highway to Angono, Rizal
* Marikina via Aurora Blvd. to Cubao
* Marikina via Manghan to Pasig

* Taft via J.P. Rizal to Guadalupe
* Taft via Pedro Gil to Sta. Ana
* Quezon Avenue via España Quezon Blvd to Quiapo
* RMB via V. Mapa to Plaza Avelino

* Baclaran via Dr. A. Santos to Sucat
* EDSA via Taft Avenue to Manila & Quezon City
* EDSA Heritage via Osmeña Highway to FTI & Alabang
* Parañaque via Quirino, Don Galo Las Piñas, Zapote

* Technohub via Commonwealth LITEX Fairview
* PHILCOA via EDSA to Monumento
* Commonwealth via EDSA to Cubao

* Guadalupe via Kalayaan C5 to C5 Taguig
* Guadalupe via EDSA Cubao & Monumento
* Guadalupe via JP Rizal Extension to Pasig
* Guadalupe via Buendia Gil Puyat to EDSA Taft

* Santolan via EDSA to Monumento
* Santolan via EDSA to Makati
* Santolan via EDSA to EDSA Taft

* Novaliches via Gen. Luis to Dela Rosa
* Dela Rosa via Mc Arthur Malinta
* H K Staging Parañaque via Quirino Don Galo Las Pinas,Zapote

* Robinson’s Fairview via Quirino to Balintawak

Muling nagbabala ang LTFRB sa mga operator at tsuper na ang paglahok sa transport strike na nagdudulot ng aberya sa mga pasahero at nakaaapekto sa daloy ng biyahe ay paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.