Detainee sa Sampaloc, namatay matapos ilang araw makulong

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2018 05:28 AM

MAYNILA - Namatay ang isang detainee ng Sampaloc Police Station sa Maynila.

Ayon kay Insp. Ramon Relator ng Sampaloc Police Station, dead on arrival sa ospital si Charlie Ballesteros na nakakulong sa kanilang estasyon. 

Umupo lang aniya sa gilid ng selda ang 46-anyos na detainee at nagsusuka.

Dinala agad sa ospital si Ballesteros, pero hindi na ito umabot ng buhay.

Iniimbestigahan na ang pangyayari at wala naman umanong sakit ang detainee ayon sa pamilya. 

Ipapa-autopsy ang bangkay para masiguro kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Ballesteros na ikinulong lang noong Miyerkoles dahil sa droga.

Aminado ang pulis na siksikan sa loob ng kulungan. Mayroong mahigit 100 ang nakapiit sa Sampaloc Police Station na may kapasidad lang para sa nasa 50 na bilanggo. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.