Wildlife byproducts nakumpiska sa Puerto Princesa

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2019 01:33 PM

Sa loob ng isang paupahang bahay sa Barangay San Pedro sa Puerto Princesa City narekober ang mga sako-sako ng wildlife byproducts tulad nitong pinatuyong Seahorse. Rex Ruta, ABS-CBN News


Sinugod ng mga ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources at Palawan Council for Sustainable Development ang isang paupahang bahay sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, Biyernes ng gabi.

Nakita sa isang kuwarto ang mga sako at nakakahong pangolin o balintong scales, sea turtle scutes, at mga pinatuyong seadragon at seahorse.

Iniimbestigahan pa kung sino ang nagmamay-ari ng mga nakumpiskang wildlife byproducts.

Idadaan pa sa imbentaryo ang pagtukoy sa bilang at halaga ng mga nakuhang kontrabando.

Base sa pag-aaral, mahal ang bilihan ng mga ito sa ibang bansa na ginagamit panghalo sa pagkain at paggawa ng gamot.

Kapag natukoy ang mga sangkot sa krimen, makakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources, Conservation and Protection Act.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.