ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila, Sept. 27-30

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2019 03:53 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking para sa pagkukumpuni ng ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi Biyernes. 

Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga ng Setyembre 30, Lunes. 

Narito ang mga apektadong lugar:

SOUTHBOUND:

  • EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
  • EDSA after Camp Crame Gate hanggang Annapolis St. (outer lane)
  • EDSA Bansalangin to North Ave. U-turn (ika-5 lane mula sa bangketa)

EASTBOUND:

  •  Quirino Highway Salvia St. bago mag-Belfast Road (outer lane)
  •  Elliptical Rd pagkatapos ng Maharlika St. (8th lane from outer bangketa)


WESTBOUND:

  •  Novaliches General Luis St. Samote St. hanggang SB Road

NORTHBOUND:

  • A. Bonifacio Ave. J. Pineda hanggang Marvex Drive (unang lane mula sa bangketa)
  • EDSA mula Gate 4 hanggang Gate 3 (ika-2 lane mula sa center island)
  • Katipunan Ave./C-5 pagkatapos ng C.P Garcia St. (truck lane)
  • EDSA Quezon City after Aurora Blvd. to New York St. (3rd lane from sidewalk)

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.