Paeng, inaasahang 'aalis' sa Sabado; LPA, nagbabadyang maging bagyo

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 01:36 PM | Updated as of Sep 27 2018 09:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaasahang lalabas na ang bagyong Paeng sa Philippine area of responsibility umaga ng Sabado, habang may papasok naman na low pressure area (LPA) na nagbabadyang maging bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Huli namang namataan ang bagyo sa layong 750 kilometro silangan ng Basco, Batanes at may taglay na hanging aabot sa 160 kilometer per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 195 kph. 

 

Ayon naman kay PAGASA weather forecaster Lorie Dela Cruz, mabagal pa rin ang pagkilos ng bagyo pahilaga. Pero hindi pa rin inaalis ang posibleng epekto ng bagyo sa Batanes bagama’t mababa na ang tsansang mag-landfall ito. 

Inaasahan rin ang pagbabago ng direksiyon ng bagyo at ang paggalaw nito pa-hilagang silangan. Magdadala lamang ng mahina hanggang sa katamtamang ulan ang bagyo sa northern Luzon sa Biyernes, Setyembre 28. 

Namataan naman ang LPA sa layong 3,100 kilometro silangan ng Mindanao. 

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, mataas ang tsansang maging bagyo ang LPA. 

Inaasahan aniyang papasok ito ng PAR sa Lunes o Martes at tatawaging Queenie kapag naging bagyo. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.