MRT train muling nagkaaberya; ilang pasahero pinababa

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 07:46 AM | Updated as of Sep 27 2018 08:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - (UPDATED) Muli na namang nagkaproblema ang isang tren ng MRT ngayong Huwebes ng umaga, dahilan para pababain ang higit 500 pasahero.

Ayon sa management ng MRT, nagkaroon ng electrical failure ang isang southbound na train sa Cubao Station bandang alas-6:24 ng umaga. 

Ayon sa management, bumigay na sa kalumaan ang electrical sub-components ng motor. Isasailalim sa maintenance at pagpapalit ng piyesa ang nasirang tren. 

Samantala, nakasakay naman ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating 5 minuto matapos ang aberya.

Nito lang Miyerkoles, nagkaaberya rin ang MRT matapos magbanggaan ang mga maintenance vehicles bandang alas-3:00 ng madaling-araw sa gitna ng Buendia Station at Guadalupe Station.

--ulat nina Jacque Manabat at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.