Honeylet, iginiit na malusog si Duterte

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 06:10 PM | Updated as of Sep 27 2018 08:32 PM

Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang hapunan sa Hong Kong ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña noong Abril 2018. Toto Lozano, Malacañang Photo

Sakali mang masama ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, palagi na sanang nakabuntot sa kaniya ang partner na si Honeylet Avanceña.

Ito ang sinabi ni Avanceña kasabay ng paggiit niyang mabuti ang lagay ni Duterte sa gitna ng mga haka-haka ukol sa tunay na estado ng kalusugan ng pangulo. 

"Pagka nakita mo akong nakadikit na lang sa kaniya, ibig sabihin there's something wrong. But if I can leave him by himself, okay siya, walang problema," sabi ni Avanceña sa panayam ng ABS-CBN News.

"Nothing is wrong with him," dagdag ni Avanceña, isang nars.

Watch more in iWant or TFC.tv

 

Ayon pa kay Avanceña, regular na nagpapatingin sa doktor ang pangulo.

"He is really a health buff. You know we have friends na takot magpunta ng doktor, siya hindi," ani Avanceña.

"Mas madalas siyang magpa-check up sa kaniyang doktor. Honestly, 'yong sa gastro niya, mas madalas siyang magpa-check."

Watch more in iWant or TFC.tv

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Duterte na matapos suriin ng doktor ay nalaman niyang mayroon siyang Barrett's esophagus, kung saan nagkakaroon ng abormal na pagbabago ang mga selula sa isang bahagi ng esopago sa tiyan.

Pero sa kabila ng kondisyon, tiniyak ng pangulo na nasa mabuting lagay ang kaniyang kalusugan. 

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.