Mag-asawang ilegal na gumagawa ng pustiso, huli sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2017 01:10 PM


Kalaboso ang mag-asawang Joelan at Rezil Estoy matapos maaktuhang ilegal na gumagawa ng pustiso sa kanilang bahay sa Isla Verde Boulevard sa Davao City.

Isinagawa ang operasyon ng Davao City Anti-Scam Unit at National Bureau of Investigation base na rin sa reklamo ng Davao City Dental Chapter. Ayon sa lokal na pamahalaaan, nagkalat na ang mga ilegal na nagpa-practice ng dentistry sa lungsod.

Ayon sa pulisya, dati na rin nilang nahuli sa isang operasyon ang mag-asawa sa parehong kaso, dalawang buwan na ang nakalipas.

Ang mga suspek, aminado naman sa kanilang ilegal na gawain.

Paliwanag ni Dr. Carlos Capitan II na chair ng nabanggit na chapter, bukod sa unsanitized ang mga pustisong ginagawa ng mag-asawa, wala rin silang sapat na training o kaalaman sa paggawa nito.
    
Desidido naman ang Task Force Illegal Practice of Dentistry na kasuhan ang mga pekeng dental technician.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.