Sekyu pinatay ng kapuwa sekyu sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 06:09 AM | Updated as of Sep 26 2019 06:10 AM

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY—Patay ang isang security guard matapos pagbabarilin ng kaniyang kapwa security guard sa Barangay 37-D, Davao City Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rudy Dela Cerna, 21 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng suspek ang biktima habang nasa loob ito ng bunkhouse at saka pinagbabaril.

Kuwento ng isang testigo, nakarinig na lang siya ng putok ng baril at nakita ang suspek na naglalakad sa kalsada matapos ang insidente.

Napag-alaman na nag-away noong isang linggo ang suspek at biktima. Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang suspek.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.