4 na miyembro umano ng Abu Sayyaf timbog sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 08:01 AM

RJ Rosalado, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Naaresto ng mga awtoridad ang 4 na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City Huwebes ng madaling araw.

Nilusob ng mga pulis at militar ang boarding house ng mga lalaking suspek sa bisa ng search warrant.

Nasamsam sa grupo ang ilang ammunition at sangkap sa paggawa ng pampasabog, gaya ng blasting caps at ammonium nitrate.

Ayon sa mga awtoridad, hinala nila na may pinaplanong pag-atake ang mga suspek, lalo't papalapit na ang selebrasyon ng Hermosa Festival sa Zamboanga City.

Kasalukuyang sumasailalim sa interrogation ang mga suspek habang inihahanda ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa kanila.—Ulat ni RJ Rosalado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.