Motorista, traffic enforcer nag-jack en poy sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 11:16 AM

Kuha ni Lyka Saavedra

GENERAL SANTOS CITY - Hinamon ng isang traffic enforcer ang traffic violator sa paglalaro ng jack en poy matapos maharang sa national highway sa Barangay Labangal dito, Huwebes.

Ayon sa motoristang si Eugene Manimog, papunta sana siyang ospital para bisitahin ang kaniyang anak. Pero hindi niya nadala ang kaniyang lisensiya at papeles kaya naharang siya ng mga traffic enforcer sa highway.

Naimpound ang kaniyang motorsiklo nang matalo sa jack en poy.

Pero matapos umanong kausapin at ipakita ang kaniyang mga dokumento, nakuha rin niya ang motorsiklo at nangakong hindi na ulit magmamaneho nang walang dokumento at lisensya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.