7 kabataang miyembro ng gang dinampot sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 05:40 AM | Updated as of Sep 25 2019 08:40 AM

DAVAO CITY—Dinampot ng mga pulis Martes ng gabi ang 7 kabataan na pasimuno umano ng gulo sa labas ng isang paaralan sa Davao City.

Ayon sa pulisya, kaaway ng grupo ang ilang estudyante dahil umano sa love triangle. 

Nakuhanan ang isa sa kanila ng kutsilyo.

Ayon naman sa mga magulang, pasaway umano ang kanilang mga anak.

Isasailalim sa counseling ang mga dinampot na kabataan.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.