2 suspek sa pagpatay sa transgender woman, sumuko

Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2019 11:17 AM

BOLINAO, Pangasinan – Sumuko na sa awtoridad ang 2 lalaking suspek sa pagpatay sa isang 28-anyos na transgender woman.

Kinasuhan na ng kasong murder sina Isagani Dollaga at kaibigan nitong si Michael Orpano, 18-anyos.

Ayon sa pulisya, karelasyon umano ni Dollaga ang biktimang si Jessa Remiendo.
 

Natagpuang patay si Remiendo noong Setyembre 18 ng umaga sa Patar Beach sa Bolinao.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang mga suspek at biktima nang mapikon umano si Dollaga sa biro ni Jessa kaya niya nagawa ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.