Mga armas nasamsam sa hinihinalang kuta ng NPA sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 07:53 PM

MANILA- Nasamsam ng Philippine Army at National Bureau of Investigation ang ilang armas sa isang sakahan sa bayan ng Teresa, Rizal nitong Martes.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang coral farm sa Sitio Dalig na pinaniniwalaang kuta ng New People's Army (NPA) sa lugar.

Kabilang sa mga nakuhang armas ang 4 na baby armalite rifle, 1 M203 grenade launcher, 5 US-made 12-gauge shotgun, 1 kalibre-38 na revolver, 2 granada, at 8 cellphone.

Walong katao naman ang naaresto sa isinagawang raid, kabilang na ang may-ari ng farm na si Ki Be E alyas Lily Ong.

Inaasahan ng mga awtoridad na makatutulong ang isinagawang operasyon upang mapigilan ang umanong planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Oktubre.

Nauna nang itinanggi ng mga komunistang rebelde ang umano'y planong patalsikin si Duterte.

-ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.