Lalaking 'nakainom' nalunod sa Ilog Pasig

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 12:33 PM

Patay ang isang 56 anyos trabahador sa Maynila matapos malunod umano sa Ilog Pasig. Kuha ng Philippine Coast Guard

Patay na nang iahon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Pasig River ang katawan ng isang trabahador sa Maynila nitong Martes.

Ayon sa mga kasamahan ng 56 anyos na si alyas "Redo," nakainom umano ang biktima at maaaring nadulas kaya nahulog sa ilog na may lalim na 15 talampakan.

Ayon sa mga awtoridad, pasado alas-10 ng gabi Lunes nang mahulog ang biktima at naiahon lang ito pasado alas-12 ng madaling araw Martes.

Aminado ang Coast Guard na nahirapan silang iahon ang bangkay dahil bukod sa madilim ay madumi na ang tubig.

Hindi pa matukoy kung may foul play na nangyari dahil isasailalim pa sa autopsy ang bangkay.

—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.