7 kilong 'mishandled meat' nasabat sa palengke sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 01:27 PM

MANILA - Pitong kilo ng mishandled meat ang nasabat ng mga awtoridad mula sa Susano Market sa Novaliches Martes ng umaga.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang kilo-kilong baboy at manok mula sa isang tindahan sa naturang pamilihan dahil hindi naka-freezer ang karne na ibinebenta.

Giit ng bantay ng tindahan, kalalabas lamang ng mga karne mula sa freezer.

Ngunit ayon sa City Veterinary Department ng Quezon City, hindi tama na i-display ang mga karne na pinakuluan na bago itinda dahil maaaring makasama sa kalusugan ng mga makakakain nito.

Nag-ikot din ang mga awtoridad sa iba pang pamilihan sa Novaliches ngunit wala nang nakitang iba pang mishandled meat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.