Paeng, mababa ang tsansang mag-landfall

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 09:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Maliit ang tsansang tatama sa kalupaan ng bansa o magla-landfall ang bagyong Paeng, ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Pero paalala ng PAGASA, puwede pang magbago ang direksiyon ng bagyo at posibleng mahagip ang dulong hilagang Luzon kaya may tsansang makaranas ng malakas na ulan ang Batanes at Babuyan islands sa Biyernes.

Nasa 895 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan ang bagyo, kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph). 

Inaasahang babagal ang pagkilos nito, kaya posibleng tumagal sa loob ng PAR hanggang Sabado.

Bukas, Martes, ay magiging mainit at maaliwalas ang panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila. Ngunit nandiyan pa rin ang tsansa ng isolated thunderstorms sa hapon.

Posible ring magdulot ng katamtamang ulan ang habagat sa Huwebes o Biyernes sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, kabilang ang Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.