SAPUL SA VIDEO: Babae, nabundol ng motorsiklo sa pedestrian lane sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 07:57 PM | Updated as of Sep 23 2018 10:03 PM

Watch more in iWantTFC

Kritikal ang kondisyon ng isang babae matapos siyang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Mintal, Davao City. 

Sa isang video na kuha nitong Biyernes, makikitang pinahinto ng traffic enforcer ang mga sasakyan para makatawid ang mga pedestrian sa tapat ng isang eskuwelahan. 

Malapit na sana sa dulo ng pedestrian lane ang 18 anyos na biktimang si Rosemarie Madanlo nang mabundol siya ng motorsiklo at nagtamo ng sugat sa ulo.

Arestado naman ang drayber na si Mark Alvez. Aminado ang suspek na mabilis ang kaniyang takbo dahil nagmamadali siya. 

Paalala ni Tugbok police station commander Paulino Zaulda na nasa pedestrian ang karapatan sa kalsada tuwing dumadaan ang mga ito ng pedestrian lane. 

Dinalaw na ni Alvez ang nabundol na babae at humingi na raw siya ng tawad sa biktima. 

Kinasuhan si Alvez ng reckless imprudence resulting in serious physical injuries.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.