Bagyong Paeng, di pa mararamdaman kahit nasa PAR na

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 07:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Paeng, ayon sa PAGASA. 

Ayon sa pinakahuling forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, namataan ang mata ng bagyong Paeng 1,290 kilometro kanluran ng Tuguegarao City, Cagayan. 

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph), at taglay nito ang lakas ng hanging 125 kph, at pagbugso na 155 kph. 

Sa ngayon, ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto ang bagyo sa Pilipinas. 

Kung hindi magbabago ang direksiyon nito, lalapit ang bagyo sa extreme northern Luzon sa Biyernes, Setyembre 28. 

Maaring maranasan ang epekto ng bagyo sa Ilocos Norte at Cagayan, na kamakailan lang ay tinamaan ng bagyong Ompong, at Batanes.

Posible ring bumuhos ang ulang dala ng bagyo sa Cordillera region, at pati sa Metro Manila bandang Huwebes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.