3 minero patay sa gas leak sa Surigao del Norte

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2017 10:47 PM

Tatlong minero ang patay habang isa ang nakaligtas sa pagsingaw ng gas sa isang small scale na minahan sa bayan ng Placer, Surigao del Norte nitong Martes.

Ayon sa imbestigasiyon, na-suffocate ang mga biktima na sina Angelo Nuñez Alontaga, Ryan Montenegro Elacion at Freddie Viola Basilio. 

Nakaligtas naman si Jonathan Cutamora, 29.

Nadiskubre na ilegal ang minahan sa Sitio Layab, Barangay Ellaperal, na pagmamay-ari ng isang Martin Gesta. 

Matapos ang insidente, agad na iniutos ng akalde ng Placer na ipasara ang minahan.

Nilinaw naman ni Chief Insp. Manolito Parazo, hepe ng Placer Municipal Police Station, na walang foul play sa pangyayari base sa isinagawang autopsy.

Hindi nagsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima matapos pangakuan na sasagutin ng may-ari ng minahan ang pagpapalibing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.