Kasambahay tinangay ang P2.7M ng amo, arestado

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 01:35 AM | Updated as of Sep 22 2019 09:18 AM

MALAY, Aklan—Isang kasambahay ang inaresto matapos umanong magnakaw ng P2.7 milyon mula sa kanyang among negosyante sa bayan ng Kalibo.

Patakas na si Jerryl Nabor patungong Caticlan nang inaresto siya ng pulisya nitong Sabado.

Ayon sa amo niyang nabiktima, tinangay ni Nabor ang ipon niyang pera na nakatago sa kabinet sa kaniyang bahay ng parehong araw na iyon.

Nasa P2.6 milyon na lang ang nabawing pera mula sa suspek na umamin sa krimen.

Trese anyos pa lang umano si Nabor nang pumasok siyang kasambahay sa biktima.

Itinuring na rin daw ng biktima si Nabor na parang sariling anak kaya't hindi ito makapaniwala sa kaniyang ginawa.

Sinampahan na ng kasong robbery ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.