Mga gagamit ng 'Xerox' sa halip na 'photocopy' may pananagutan ba?

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 07:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nakaugalian na ng mga Pinoy na gamitin ang salitang "Xerox" para ilarawan ang paggamit nila ng photocopy machine para sa pagkopya ng mga dokumento.

Lingid sa kaalaman ng marami ay isang brand ang Xerox at nagbabala ito sa publiko na huwag gamitin ang kanilang pangalan dahil trademark umano ito.

"[P]lease don't use the word xerox as another word for copy" apela ng kompanya.

Sabi ng abogadong si Claire Castro, maaari kasing may negatibong epekto sa kompanya ang malawakang paggamit ng salitang Xerox.

Maituturing na "unfair competition" o paglabag sa Art. 189 ng Revised Penal Code ang paggamit ng salitang Xerox bilang tawag sa photocopy machine.

"So hindi puwedeng gamitin 'yan ng iba kasi sumasakay sila sa kasikatan ng name na ito, so nagkakaroon ng unfair competition," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" nitong Biyernes.

Naglipana kasi umano ang mga photocopy stall na tumatawag na "Xerox" sa kanilang serbisyo kahit ibang brand ang gamit nilang makina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.