Ex radio jock, 3 iba pa timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2019 03:47 AM | Updated as of Sep 21 2019 08:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang 4 na katao, kabilang ang isang dating radio jockey, sa buy-bust operation sa Barangay Bahay Toro, Quezon City Biyernes ng gabi.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region (PDEA-NCR) director Joel Plaza, target ng operasyon ang radio DJ at isang kasamahan nito.

Isinagawa ang operasyon sa isang apartment sa Finance St. kung saan nabilhan ang radio DJ ng droga.

Naaktuhan naman ng mga operatiba ng PDEA ang 3 katao na gumagamit ng droga sa loob ng apartment. Nakatakas naman ang kasamahan ng primary suspect.

Nakuha sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P170,000 at drug paraphernalia.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.