MAYNILA — Nasamsam ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan ang 6 kahon na naglalaman ng mga bote ng liquid marijuana na ipinadala pa mula sa bansang Romania.
Idineklarang "Ulei Cannabidiol Full Plant Extract" ang shipment na ipadadala sana sa consignee na taga-San Pablo City, Laguna.
Sa physical examination ng mga awtoridad, lumabas na naglalaman ang package ng mga botelya ng ipinagbabawal na liquid marijuana.
Nakumpirma sa chemistry report ng Philippine Drug Enforcement Agency na may substance na tetrahydrocannabinol sa mga botelya.
Inaalam pa ang halaga ng mga nakumpiskang liquid marijuana.
Agad na ring sinampahan ng kaso ang consignee ng package dahil sa importation ng ipinagbabawal na gamot.
—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, liquid marijuana, war on drugs, Bureau of Customs, NAIA