Bagong bagyo, papasok sa PAR sa Linggo

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2018 10:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naging bagyo na ang Low Pressure Area na binabantayan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR). 

Ayon sa PAGASA, papasok ito sa PAR sa Linggo at papangalanang "Paeng." 

Namataan ang bagyo sa silangan ng southern Luzon. Posible ring dumaan ang bagyo sa Batanes area sa susunod na Huwebes o Biyernes.

Samantala, inaasahan ang maaraw at mainit na panahon sa Metro Manila at sa central at northern Luzon sa darating na weekend.

Sa southern Luzon, Visayas, at Mindanao naman inaasahan na maulap pa rin ang panahon dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Pinakaapektado sa ITCZ ang Cebu, Bohol, Leyte, Negros Occidental, northern Mindanao, Davao, at Compostela Valley, na makararanas ng paminsang malakas na ulan.

—Ulat ni Kim Atienza, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.