TINGNAN: Kisame ng terminal sa Bredco Port bumigay

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2019 07:46 PM

Bumigay ang bahagi ng kisame sa departure area ng Bredco Port terminal sa Bacolod City, Biyernes ng hapon.

Nakunan ng ilang netizen ang eksena matapos bumigay ang kisame.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Hindi muna nagpa-interview ang mga tagapangasiwa ng terminal.

Nananatiling normal ang operasyon sa terminal habang inaayos ang bumigay na kisame.

Ito na umano ang ikalawang beses na bumigay ang kisame sa bagong terminal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.